Ang mga mag-aaral sa kolehiyo mula sa South Korea ay sumali kasabay ng mga Japanese sa paglilinis ng isang beach sa Japan, sa gitna ng mahigpit na relasyon sa pagitan ng Tokyo at Seoul.
Ang paglilinis ay bahagi ng isang taunang kaganapan ng exchanged event na inorganisa ng isang civic group na nakabase sa Yamaguchi Prefecture, kanlurang Japan.
Noong Miyerkules, 17 mga mag-aaral sa South Korea mula sa South Gyeongsang Province at Busan City ay nakipagtulungan kasama ang 20 Japanese sa isang beach sa Dagat ng Japan.
Kumuha sila ng mga plastik na botelya, lata at iba pang basura, at nakolekta ng basura mula sa ilalim ng tubig gamit ang isang netong pangingisda.
Sinabi ng isang estudyante sa Timog Korea na naniniwala siya na ang mga mamamayan ng parehong bansa ay maaaring makatulong na mapagbuti ang ugnayan, sa kabila ng mga isyu sa pagitan ng dalawang bansa. Dagdag pa niya, masaya siyang nakipagkaibigan sa Japan at nais niyang makipag-ugnay sa kanila.
Sinabi ng isang mag-aaral na Hapon na ang kaganapan ay isang magandang pagkakataon upang maisangtabi ang tungkol sa politika at maging magkaibigan lang muna.
Idinagdag pa ng estudyante na siya at iba pang mga kaibigan na Hapon ay pupunta sa Timog Korea sa taglamig upang lalong mapalalim ang kanilang pagkakaibigan.
Source: NHK World Japan
Join the Conversation