Isang malakas na tropical storm ang kasalukuyang patungo sa rehiyon ng Kyushu, southwestern ng Japan.
Sabi ng opisyales ng Japan Weather, alas-9:00 ng umaga ng Lunes ang bagyo na pinangalang Francisco ay patungong west-northwest na may bilis na 30 kilometro kada oras sa ibabaw ng karagatan at 340 kilometro patungong timog na bahagi ng Cape Shiono sa Central Japan.
Ayon pa sa mga opisyal, ang bagyo ay maaaring mag-landfall sa Kyushu nitong Martes ng umaga.
Aasahan sa southern Kyushu ang hangin na may lakas na 110 kilometro kada oras, sakop ng bagyo ang rehiyon ng Shikoku na mag-dadala ng malalakas na alon sa mga karagatan
Aasahan naman ang malakas na pag-buhos ng hangin sa western Japan.
Mahigit 250 millimeters ng ulan ang inaasahang bubuhos sa loob ng 24 oras sa southern Kyushu at 200 millimeters na ulan naman ang aasahang bumuhos sa northern Kyushi at Shikoku region.
Nag-bigay babala naman ang mga opisyal ng panahon sa lakas ng hangin, mataas na alon, mudslides, pag-baha sa mga mababang lugar at pag-apaw ng mga ilog. Pinapayuhan nila ang mga tao na mag-handa bago pa man lumapag ang bagyo.
Isang tropical storm naman na tinawag na Lekima ay inaasahang gumalaw patungong kanluran sa ibabaw ng karagatan bandang silangan ng Pilipinas. Pinapayuhan ng mga Japanese weather officials ang mga tao na mag-check ng latest updates ukol sa local weather information, dahil maaaring mapunta sa direksyon ng Japan ang nasabing bagyo.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation