TOKYO ang katawan ng isang lalaki at babae na nag-eedad na 20 hanggang 30 anyos ay natagpuang wala ng buhay sa loob ng palikuran sa isang Love Hotel sa Tokyo, ito nakikitang kaso ng pagpapa-tiwakal, ayon sa mga pulis nuong Linggo.
Ayon sa mga pulis, ang magka-sintahan ay natagpuang na sa estado ng cardio-respiratory arrest sa isang kwarto sa ika-7 palapag ng gusali ng Hotel Dulce sa Oji, Kita ward bandang alas-12:30 ng hating gabi nuong Sabado. Pareho itong walang saplot sa katawan ayon sa ulat ng Sankei Shimbun. Ang dalawa ay isinugod sa ospital kung saan pareho silang idineklarang wala ng buhay.
Sinabi ng mga pulis na nakakita sila ng mga uling sa loob ng banyo, na nag-sasabing maaaring nagpa-tiwakal ang mga ito.
Isang hotel employee ang tumawag sa 110 matapos matagpuang walang malay ang dalawang biktima sa loob ng banyo ng kwarto.
Source: Japan Today
Join the Conversation