Napag-alaman ng NHK na ang isang lalaki na inaresto dahil sa pag-nanakaw ay naka-takas mula sa police hospital sa Tokyo kung saan ito ay ipinagagamot dahil sa baling buto.
Ang lalaki, na isang South Korean national ay nag-eedad na 60 anyos, ay napag-alamang nawawala sa ospital sa Nakano Ward bandang alas-7:00 ng umaga nuong Linggo.
Sinabi ng Tokyo Metropolitan Police na ito ay nag-laho matapos mag-banyo sa ika-limang palapag ng ospital.
Dagdag pa ng mga pulis na ang isa sa dalawang nag-babantay na pulis sa ospital ay naka-bantay sa labas ng palikuran.
Nitong panimula ng buwan, ang lalaki ay na-aresto dahil sa hinalang pag-nanakaw. Tinangka niyang tumakas mula sa mga pulis sa pamamagitan ng pag-talon sa isang gusali na naging sanhi ng pagka-bali nito ng buto. Ang suspek ay pansamantalang pinakawalan upang magpa-gamot.
Sinabi ng pulis na ang suspek ay patuloy pa rin pinag-hahanap at hindi pa nahuhuli.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation