OSAKA (TR) – isang Budistang Pari ay ipinatawag sa prosekyutor matapos lumabas ang isang video nito na nagpapakita na ito ay nag-wawala sa Sakai City nitong umpisa ng taon, mula sa ulat ng NHK (August 22).
Ang video ay nakuhanan nuong Enero nang isang sasakyan na sinusundan ang kotse ng 61 anyos na budistang pari. Sa video clip, lumabas ang puting Toyota sedan ng suspek mula sa isang restaurant. Mayroong isa pang sasakyan sa harapan nito na minamaneho ng isang 36 anyos na lalaki sa isang kalsada sa Kita Ward.
Sa hindi hihigit na 450 metro, paulit-ulit na nagpe-preno ang sinasakyan ng budistang pari. Sa isang traffic light, bumaba ang pari na naka-roba pa at sinugod driver ng naka-sunod na sasakyan.
Ayon sa pulis, hinablot ng pari ang driver sa kwelyo at niyugyog ito. Hindi naman nasaktan ang driver mula sa nangyaring insidente.
Nuong oras na iyon, ang pari na nanunungkulan sa templo sa Lungsod ng Matsubara, ay papunta at makikipag-kita sa kanyang parishioner.
Sa kalaunan sinabi ng pari sa mga pulis na siya ay nagalit sa kasunod na driver dahil siya ay gusto nitong iover-take duon pa lamang bago siya lumabas sa parking lot ng restaurant. “May 50 metro lamang ang pagitan ng wming mga sasakyan, ninais niyang mag-over take sa bandang kanan” ani ng pari. “Ito ay delikado kaya tinanong ko siya kung anong ginagawa niya.”
Dinagdag pa niya na nagsisisi siya kung bakit siya naging bayolente sa driver ng kabilang sasakyan. “Pasensya na at na kwelyohan ko siya.” sabi ng budistang pari.
Source: Tokyo Reporter
Video: YouTube
Join the Conversation