TOKYO (TR) – inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang lalaki na lumipad patungong Pilipinas matapos masangkot sa isang pinananiniwalaang panloloko sa bansa nuong nakaraang taon, ayon sa ulat ng TV Asahi nuong August 7.
Nuong Disyembre, isang ginang na naininirahan sa Kokubunji City ay tinawagan sa telepono at sinabihan ng isang tao na nag-panggap bilang kanyang anak na “ito ay nangangailangan umano ng pera” upang pag-takpan ang isang problema sa trabaho.
Ang ginang ay nasa 80 taong gulang ay nakuhaan ng perang nagkaka-halagang 500,000 yen.
Ayon sa mga pulis, ang suspek na nuo’y nag-eedad lamang ng 19 anyos ay nag-bigay ng instruction sa mga miembro ng sindikato na isagawa ang krimen. Ngunit ikinakaila ng suspek ang mga paratang sa kanya.
Nuong Enero, ang suspek ay umalis ng Japan patunong Pilipinas. “Nagkaroon ako ng problema sa trabaho kaya ako ay lumipad patungong Pilipinas.” sinabi umano nito sa mga pulis. “Nakatira ako kasama ang isang kaibigang babae.”
Nuong nakaraang buwan lamang, hinuli ng mga pulis ang suspek nuong ito ay dumating na muli sa Japan.
Source: Tokyo Reporter
Join the Conversation