Inihaw at chilled sweet potatoes na binibenta sa vending machines sikat sa Miyazaki

Hindi ito ordinaryong inihaw na kamote. Malamig siya at tamang tama sa tag-init. At mabibili siya sa isang vending machine. Dahil naka-chilled ang kamote, mas lalo ito tumatamis.   #PortalJapan See More ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: Twitter

Ang sweet potato ay tinatangkilik ng mga tao tuwing taglamig at ibinibenta ito ng mainit at umuusok pa, pero may sumisikat ngayon na kakaibang sweet potato sa Miyazaki.

Hindi ito ordinaryong inihaw na kamote. Malamig siya at tamang tama sa tag-init. At mabibili siya sa isang vending machine. Dahil naka-chilled ang kamote, mas lalo ito tumatamis.

Siyempre, ang kamote ay hindi  mainam para ibenta sa vending machine dahil madali itong madurog lalo na tuwing malalaglag sa vending machine kapag binili. Upang mapanatili ang shape nito, nilagay ang kamote sa especial na lata upang hindi ito madurog.

Ito ay nagkakahala ng 300 yen, at ang mga tao ay mabibili sa 11 na makina na matatagpuan sa paligid ng mga lungsod ng Hyuga at Nobeoka sa Miyazaki Prefecture.

Ito ay mahusay na balita para sa Medaka Family Group, isang sentro ng suporta para sa mga may kapansanan sa Miyazaki na namamahala at namuhunan ng mga makina. Mula sa pagtanim ng matamis na kamote hanggang sa packaging, ang buong produksiyon ay gawa ng mga taong may kapansan.

At salamat sa malakas na benta, ang kanilang kita ay lumaki ng average na 4,000 yen sa isang buwan mula nang magsimula ang mga makina. At nakakabenta ng kabuuang 1,500 matamis na patatas.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund