TOKYO (TR) –inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang 53 anyos na lalaking intsik dahil sa pag-sira nito ng isang kurtina sa loob ng kontrobersyal na Yasukuni Shrine sa Chiyoda Ward, ayon sa ulat ng Jiji Press (August 19).
Bandang alas-2:35 ng hapon, ang suspek, walang trabaho ay hinagis umano ang isang likido na mukhang itim na tinta sa isa sa mga puting kurtina na naka sabit sa pangunahing gusali ng shrine.
Na talsikan rin ng tinta ang isa sa mga bumisita roon pati na rin amg kahon na nilalagyan ng donasyon, ayon sa mga pulis sa Kojimachi Police Station.
Agad namang nahuli ang salarin dahil sa salang paninira ng property. Habang kinikwestyon, inamin ng salarin ang mga alegasyong ipinaparatang laban sa kanya.
Ang Yasukuni Shine ay point of contention para sa Korea at China dahil ito ay mayroong 14 Japanese leaders na kinondena bilang war criminals kasunod ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Nuong ika-15 ng Agosto, ang anibersaryo ng pag-suko ng mga hapones, nagpadala ng ritual offering si Prime Minister Shinzo Abe sa nasabing Shrine.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation