Gold fish scooping contest, isinagawa sa Nara

Isang paligsahan sa pag-huli ng gold fish ang isinagawa sa Nara na sinalihan ng mahigit 2,000 katao.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspGold fish scooping contest, isinagawa sa Nara

Mahigit 2,000 katao ang sumubok ng kanilang kakayahan sa pag-scoop ng goldfish sa isang taunang okasyon sa prepektura ng Nara, western Japan nuong Linggo.

Ang okasyon ay isinagawa sa lungsod ng Yamatokoriyama, isang major goldfish farming region sa bansa. Ang mga kalahok ay may paper scoop upang magamit sa pag-huhuli ng nasabing isda. Paramihan sila na mahuhuling isda na naka-paloob sa isang water tank na mayroong 1,000 isda sa loob ng 3 minuto.

Upang markahan ang ika-25 anibersaryo ng okasyon, tinawagan ng mga organizers ang mga tao sa buong mundo na lumahok ngayong taon kung saan tinawag nila itong “World Championship.”

Mahigit 50 katao mula sa 9 na bansa ang lumahok. Kabilang rito ang Estados Unidos at Britanya.

Ang nasabing palaro ay nangangailangan ng bilis at kakayahan dahil ang gamit nilang paper net ay napakaselan.

Isang 17 anyos na lalaki ang nanalo sa adult individual category. Siya ay naka-huli ng 70 pirasong isda at tinalo niya ang 49 na partisipante.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund