Ang rebulto ng Great Buddha ng sinaunang kabisera ng Nara, kanlurang Japan, ay sumailalim sa taunang paglilinis para sa Bon Festival.
Ang estatwa na mag 15-metro-taas na nasa templo ng Todaiji ay inaalisan ng alikabok tuwing Agosto 7 taon taon. Ang paglilinis ay idinisenyo upang maghanda para sa pagdiriwang. kung saan ang mga tao ay nagbigay respeto sa kanilang mga ninuno.
Noong Miyerkules ng umaga, ang mga pari ay nagsagawa ng isang seremonya upang pansamantalang alisin ang kaluluwa ng Buddha mula sa estatwa.
Humigit kumulang na 180 na pari at sumasamba sa estatwa ang umakyat upang linisin at punasan, gamit ang mga walis at pang alis ng alikabok.
Ang ilan ay nakataas sa mga basket na nakabitin mula sa kisame ng bulwagan ng estatwa upang malinis nila ang mga bahagi sa rebulto na hindi maabot, kasama ang mukha at dibdib nito.
Maraming tao ang dumating upang panoorin ang paglilinis.
Ang isang mag-aaral ng mga katangian ng kultura mula sa kalapit na Prefektura ng Osaka ay nagsabi na ito ang kanyang unang pagkakataon na makita ang proseso at siya ay lubos na humanga na ang gawain ay nagsasangkot sa napakaraming tao.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation