Ibinagsak ng mga mangingisda ang mahigit kumulanh na 500 toneladang isda mula sa mahigit 40 bangka sa Hanasaki Port sa lungsod ng Nemuro nuong lunes ng umaga. Ang nahuli nuong nakaraang taon ay mas mahigit 100 tonelada.
Ang mga Pacific Saury na ibinagsak ay payat at kaunti lang ang taba. Ang pinaka mataas na bid sa auction sa isang kilo ng isda ay ¥550 o kulang-kulang $5. Ang halaga ay mas mababa ng 20 porsyento kumpara nuong nakaraang taon.
Ang mga nahuli rin ng mga mas maliliit na bangka nang magsimula ang saury fishing season nitong panimula ng buwan ay hindi rin karamihan.
Nag-sabi ang isang kaputan ng barko na lugi sila dahil sa konting bilang ng huli dahil ang kita sa mga ito ay kulang pa sa ibiniling krudo para sa mga fishing boats.
Isang organisasyong kinabibilangan ng fisheries ministry ang nag-predict na magpapatuloy ang matumal na huli hanggang kalagitnaan ng Setyembre.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation