Dalawang magkapatid na matanda, natagpuang patay sa kanilang bahay sa posibleng heatstroke

Ang mga katawan ng dalawang magkapatid na babae, ang isa ay nasa kanyang late 80s at ang isa pa sa kanyang 90s, ay natagpuan noong Lunes sa kanilang bahay sa Tokyo, sinabi ng pulisya noong Martes, idinagdag nila na pinaniniwalaan nila na ang magkapatid ay namatay sa heatstroke. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Photostock

TOKYO

Ang mga katawan ng dalawang magkapatid na babae, ang isa ay nasa kanyang late 80s at ang isa pa sa kanyang 90s, ay natagpuan noong Lunes sa kanilang bahay sa Tokyo, sinabi ng pulisya noong Martes, idinagdag nila na pinaniniwalaan nila na ang magkapatid ay namatay sa heatstroke.

Ayon sa pulisya, ang mga bangkay ay natagpuan bandang 6 p.m. sa kanilang dalawang palapag na bahay sa Shinjuku Ward. Ang isang katawan ay nasa kusina at ang isa pa sa isang tatami mat room sa unang palapag.

Sinabi ng pulisya na inalerto sila ng isang kapitbahay na nag-aalala sa magkapatid matapos makita ang ilang araw na newspaper sa mailbox, at ilaw na nananatiling nakasindi sa bahay.

Sinabi ng pulisya na walang air conditioner sa bahay at wala ding electric fan. Isang uchiwa (Japanese fan) ang natagpuan sa tabi ng isa sa mga katawan.

Sinabi ng isang kapitbahay na nakita nya pa ang magkapatid na babae noong nakaraang linggo. Ang nga news paper na naipon sa mail box ay nagsimula noong Agosto 12.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, ang temperatura sa Tokyo mula noong Agosto 11 ay humigit-kumulang na 35 degree.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund