Nag-babala na ang mga weather official ng Japan tungkol sa papalapit nang malakas na tropical storm Krosa sa bansa. Sinabi nila na ito ay maaaring lumapag sa bansa sa Huwebes.
Tinatantya ng Meteorological Agency ng bansa na ang bagyo ay may dalang malakas na hangin na mayroong 110 kilometer kada oras, at ito ay maaaring umabot sa 160 kilometer kada oras sa southern part ng Kyushu region mula Miyerkules. Inaasahan rin ng mga opisyal na ito ay mag-dudulot ng malalakas na pag-hampas ng alon sa mga karagatan na aabot ng 10 metro ang taas sa Shikoku Region.
Dagdag pa ng opisyales na lalakas ang ulan mula Miyerkules. Sinabi rin nito na may ilang bahagi sa Pacific Coast ng Western at eastern Japan na makararanas ng malakas na pag-ulan na may sukat na 80 millimeters kada oras.
Sinabi rin nito na maaaring magpa-tuloy ang malakas na pag-ulan kahit wala ng bagyo, at maaaring lumakas rin ang precipitation nang 1, 000 millimeters.
Maraming tao sa Japan ang ngayon ay nagbabakasyo dahil sa Obon holiday.
Pinapayuhan rin ng mga opisyal ang mga nag-babakasyon na maging listo sa mga latest updates dahil maaaring mag-baha at magka-landslide dulot ng malakas na bagyo. Mapipilitan rin pansamantalang ipa-tigil ng mga railway operators ang serbisyo ng kanilang mga tren sa araw ng Miyerkules at Huwebes.
Sinasabihan rin ng mga airlines na icheck kung kanselado ang mga byahe. Maaaring i-chek ito online para sa mga karagdang updates.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation