Ang heavy rain emergency warning ay nagko-correspond sa pinaka mataas na level sa bagong five-level disaster warning scale ng Japan Meteorological Agency.
Ang unang level ay nag-hahatid ng “maagang impormasyon at babala” mula sa JMA, na sinasabihan ang mga tao maging alerto sa mga weather updates.
Ikalawang level ay, nag-bibigay ng mga “advisories” ukol sa malakas na pag-ulan at pag-baha. Inaasahan na gumawa ng hakbang ang mga tao, tulad ng pag-alam kung saan ang evacuation routes at meeting points sa disaster hazard maps.
Ikatling level ay, humihikayat na palikasin na ang mga naka-tatanda at inaabisuhan na mag-prepare ang mga iba sa posibleng pag-evacuate.
Kinabibilangan ng Ika-apat na level ang “Kautusan sa Pag-likas”. Tinatawagan ang mga tao na mabilis na lumikas patungo sa emrgency shelters at gumawa ng hakbang upang maproteksyonan ang kanilang kaligtasan.
Ang Ika-limang level ay maaari o pisibleng may nangyari nang sakuna. Ito ay ang panahon kung saan nag-baba na ng heavy rain emergency warning. At hinihikayat na ang mga tao na gawin ang lahat upang maprotektahan ang kanilang sarili sa oras ng panganib.
Ito ay gagawin lamang ng JMA bilang hakbang kung sakaling dumating ang malakas na pag-ulan na nangyayari lamang isang beses sa ilang dekada. Sinasabi lamang ng ahensya na maging handa ang mga tao sa pag-likas BAGO pa magbaba ng emergency warning.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation