Ang nawawalang baby dugong na inalagaan ng mga sayantipiko sa Tahiland ay pumanaw na dahil sa mga plastic na bumara sa digestive system nito.
Ang batang dugong na inalagaan ng mga biologists mula ng ito ay kanilang natagpuan na naistranded sa isang beach sa southern Thailand nuong Abril. Pinangalanan itong Marium, ito ay naging sikat matapos kumalat sa internet at social media ang litrato nito na pinapa-kain at niyayakap ng mga beterenaryo.
Ilang beses din itong pinakawalan sa karagatan ngunit paulit-ulit rin itong bumabalik. Nuong nakaraang linggo, natagpuang sugatan si Marium matapos itong atakihin umano ng ibang isda sa karagatan. Mula nuon ay ayaw na niyang kumain, bumaba ang timbang at sa kasamaang palad ito ay pumanaw.
Ayon sa isinagawang awtopsiya, nakita ang napakaraming plastic na basura sa loob ng bituka nito. Sinabi ng mga sayantipiko na nagkaroon ng pamamaga sa loob ng katawang nito at nag-dulot ng impeksyon sa dugo at pamamaga ng baga.
Nag-babala ang mga biologists sa impact ng plastic pollution sa marine ecology. Maraming lamang dagat ang natatagpuang patay tulad ng mga balyena dahil sa nakakain nito ang mga plastic na basura sa karagatan at bumabara sa loob ng kanilang katawan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation