Ang matinding init na nararanasan ng bansang Japan ay malamang na sanhi ng pagkamatay ng hindi bababa sa pitong katao sa limang prefecture.
Tatlo sa mga namatay ay iniulat sa hilagang prefecture ng Hokkaido, na karaniwang mas malamig kaysa sa iba pang mga bahagi ng bansa.
Kabilang sa tatlo ay ang isang lalaki na nasa edad na 60, na natagpuan na walang malay sa kanyang kama makalipas ang hatinggabi sa Mikasa City. Siya ay isinugod sa ospital ngunit idineklarang patay mula sa heatstroke.
Isang babae na nasa edad na 60 sa Noboribetsu City ay natagpuan na tumumba sa banyo ng isang miyembro ng pamilya nang madaling araw. Ang mga Paramedik, na nagpatunay sa kanyang pagkamatay, ay nagsabi na ang temperatura ng kanyang katawan ay nasa itaas ng 40 degree Celsius. Naniniwala silang namatay siya dahil sa heatstroke.
Sa Bihoro Town, isang babaeng nasa edad na 80 ang natagpuan na sa kanyang bahay. Namatay siya sa ospital dahil sa hinihinalang heatstroke.
Sa Toyama Prefecture, central Japan, isang 11-buwang gulang na batang babae ang namatay matapos siyang iwan sa isang kotse sa isang paradahan. Pinaghihinalaan ng pulisya na namatay siya sa heatstroke.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation