TOKYO- isang 4 na taong gulang na batang lalaki ang nasa kritikal pa rin na kondisyon nitong Lunes matapos mabundol ng isang police car sa usang crosswalk sa Tokyo nuong Linggo.
Ang bata ay nabundol malapit sa station ng JR Yotsuya sa Chiyida Ward habang ito ay tumatawid sa kalsada habang naka-on ang green pedestrian signal.
Ayon sa mga pulis, ang kanilang sasakyan ay nag-mamadaling makarating sa metropolitan police headquarters upang magsa-gawa ng isang drug test sa isang suspek nang mabundol nila ang bata. Nawalan ng malaw ang bata sa lakas na impact ng pagka-bunggo sa kanya.
Ayon sa mga pulis, ang sasakyan ay minamaneho ng 51 anyos na sarhento. Ito ay dirediretsong nagmaneho sa pupang ilaw ng trapiko habang naka-bukas ang sirena. Ang drayber ay mahroong kasamang senior officer sa kanyang tabi.
Nasa malapit lamang ang pamilya ng bata nang mangyari ang insidente, sabi ng pulis.
“Mag-bibigay kami ng mga instruksyon upang maiwasan at hindi na muling mangyari ang nasabing insidente.” ani ni Masayuki Okabe, Deputy Police Chief ng Shinjuku Police Station.
Source: Japan Today
Image: Photo Stock
Join the Conversation