Mahigit 31 katao ang kinumpirmang pumanaw matapos tumaob ang 3 banka dahil sa sama ng lagay ng panahon sa central Philippines.
Ang coast guard ng bansa ay pumalaot sa 2 kilometro kalapad na strait sa pagitan ng isla ng Panay at Guimaras nang sila ay magkahiwalay na napa-taob ng malalakas na ihip ng hangin bandang tanghali at alas-3:00 ng hapon nuong Sabado.
Ang mga bangka ay nag-provide ng scheduled ferry services sa nga liblib na isla ng Pilipinas.
Lahat ng mahigit 90 pasahero at crews ng 3 bangka ay tumilapon sa karagatan mula sa sinasakyang mga bangka. Patuloy ang rescue operations buong araw ng Linggo.
Sinabi ng mga coast guard na mahigit 60 pasahero ang nailigtas nuong Linggo, sa kasamaang palad marami pa rin ang nawawala sa mga ito.
Ayon sa local media reports, maayos ang panahon nuong umaga ng Sabado, ngunit ang panahon ay biglang sumama sa nasabing rehiyon bandang tanghali.
Source: NHK World Japan
Image: Reuters
Join the Conversation