11 buwang gulang na bata ang namatay dahil sa heatstroke matapos itong maiwanan sa kotse ng sariling ina.

11 buwang gulang na batang babae patay, matapos maiwan ng ina sa loob ng sasakyan dahil sa kalasingan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Suzu Nobatake (Twitter)

TOYAMA (TR) – ang anak na babae ng isang 25 anyos na babae ay namatay dahil sa heatstroke matapos ito maiwanan ng ina sa loob ng kotse sa lungsod ng Toyama nitong Biyernes ayon sa mga pulis, mula sa ulat ng Asahi Shimbun (August 3).

Inaresto ng pulis ang ina ng bata na si Suzu Nobatake, isang bar employee, dahil sa kasong pagpapa-baya ng isang taga-pangalaga na nauwi sa kamatayan.

“Nakalimutan ko dahil sa sobrang kalasingan.” sinabi ng suspek sa mga pulis habang inaamin ang mga alegasyon na isinampa laban sa kanya.

Ayon sa mga pulis, naiwan ni Nobatake ang kanyang anak na babae na si Kokomi, 11 buwang gulang sa loob ng kanilang sasakyan na naka-park sa malapit sa kanilang tahanan sa pagitan ng bandang alas-5:20 hanggang alas-9:30 ng umaga. Naka-patay ang makina ng kotse at naka-sarado ang lahat ng bintana nito.

Ang resulta ng awtosiya ay hindi nag-sabi nang sanhi ng pagka-matay. Ngunit, suspetsa ng mga pulis ang bata ay namatay dahil sa heatstroke.

Ang insidente ay nangyari matapos mag-trabaho ni Nobatake. Matapos magkipag-inuman, siya ay umuwi nang iba ang nag-maneho ng kanyang sasakyan. Nasa loob ng sasakyan si Kokomi at ang kuya nitong 2 taong gulang. Nang pumasok sa kanilang bahay. Nakalimutan ng suspek si Kokomi sa child seat sa likod ng sasakyan.

Bandang alas-9:30 ng umaga, Biyernes sa Toyama City, ang temperatura ay umabot sa 31.8 degrees Celcius, ayon sa local meteorological authority.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund