NIIGATA
Ang Mt. Yahiko ay isang bulkan na malapit sa pampang ng karagatan ng Japan. Napaka-gandang tanawin nito lalo na at ang Yahiko Shrine, na isang sikat na shrine sa Niigata Prefecture ang entrance sa pag-akyat dito.
Hiking Mt Yahiko
Ang pag-hike ay nahahati sa 10 seksyon sa loob ng kagubatan. Hindi naman ito mahirap akyatin, ang mga umaakyat na hiker ay nararating ang tuktok sa loob ng 1 at kalahati o 2 oras. Sa panimula bago umakyat, mayroong makikitang maliit na tindahan. Makikita rito ang ilang aakyat sa bundok na masayang nagku-kwentuhan habang kumakain ng oden soup at libreng kape.
Sa tuktok ng bundok, mayroon pang isang maliit na shrine. Namnamin ang napaka-ganda at naka-bibighaning tanawin ng Kalatagan ng Echigo at Isla ng Sado. Hindi lamang ang pag-akyat sa bundok ang paraan upang ma-enjoy ang tanawin sa Kalatagan ng Niigata at Karagatan ng Japan. Maaaring gamitin ng mga bisita ang ropeway upang makarating sa tuktok ng Mt. Yahiko o di kaya naman ay bumyahe pa-akyat sa Mt. Yahiko Skyline.
Yahiko Shrine and festivals
Ang pagka-ispiritwal ng shrine ay nagbabakas pabalik sa ika-8 siglo, nang si Ameno-Kagoyama-no-Mikoto, apo ng isang shinto deity ay pinaniniwalaang napadpad sa Mt. Yahiko at tinuruan ang mga lokal ng karunungan upang maka-gawa ng asin, pangingisda, pag-tanim ng bigas at iba pang aktibidad pang-agrikultura.
Ang Yahiko Lantern Festival ay gaganapin simula sa ika-24 hanggang ika-26 ng Hulyo. Ang Fireworks naman ay gaganapin sa ika-25 ng Hulyo alas-8:00 ng gabi sa Yahiko Park.
I-Click dito herepara sa karagdagang impormasyon.
Source: Japan Today
Image: foooomio at Cara Lam
Join the Conversation