Tatalakayin ng mga miyembro ng World Trade Organization ang paghihigpit sa exportation sa ilang mga high-tech na materyales sa South Korea ngayong Miyerkules.
Nagsimula ang dalawang araw na pagpupulong ng General Council ng WTO ng sa Geneva noong Martes.
Ang mga kinatawan ng 164 mga kasapi ng WTO ay nakatuoan sa unang araw ng mga pag-uusap na mayroong walong item sa agenda.
Ang paghihigpit ng kontrol sa pag-export tatalakayin ay ang ika-11 sa 14 na paksa.
Ang Japan at South Korea ay parehong naghahanap ng suporta mula sa WTO’s highest decision body.
Ipinaalam ng Japan ang mas mahigpit na panuntunan sa exportation ng ilang mga materyales sa South Korea ngayong ding buwan. Ang mga kompanya ng South Korea ay gumagamit ng mga materyales upang gumawa ng mga semiconductor at mga panel ng display.
Ang pinuno ngJapan’s Foreign Ministry Economic Affairs Bureau na si Shingo Yamagami, ay nagsabi sa mga reporters na naniniwala ang gobyerno ng Japan na ang panukalang-batas ng Japan ay hindi lumalabag sa mga regulasyon ng WTO. Sinabi niya na ipapaliwanag niya ang posisyon ng kanyang bansa sa iba pang mga kalahok.
Ang delegasyon ng South Korea ay pinamumunuan ng deputy minister of Trade, Industry and Energy, si Kim Seung-ho.
Pinaliwanag ng Seoul na ang desisyon ng Japan ay lumalabag sa mga patakaran ng WTO. Sinabi ni Kim na ang posisyon ng South Korea ay hindi nagbabago. Sinabi niya na ang kanyang delegasyon ay paguusapan ang kaso sa pulong.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation