TAKAMATSU, Japan (Kyodo) – Ang kanlurang lungsod sa Japan na kilala para sa produksyon ng mga ornamental square watermelons ay nagsimula na sa shipment para sa taong ito noong Miyerkules.
Ang siyam na growers sa Zentsuji, Kagawa Prefecture, ay nagplano na magship ng 600 na pakwan sa mga mamamakyaw sa kalagitnaan ng buwan na ito, na may tag na presyo na higit sa 10,000 yen ($ 92) bawat isa.
Ang hugis cube na pakwan ay may sukat na 18-sentimetro at ito ay nilikha sa pamamagitan ng paglagay nito sa isang square na plastic container sa loob ng 10 araw habang ito ay hindi a hinog, ang pakwan na ito ay hindi edible, meaning hindi ito makakain at ito ay pang display lamang.
Ang lungsod ay nagsimula ng produksyon nito 50 taon na ang nakakaraan sa isang pagtatangka upang pasikatin ito.
“Ang kalidad ay mas mahusay sa taong ito kaysa sa nakaraang taon, ang bilang na maaaring mai-ship ay mas malaki,” sabi ni Toshiyuki Yamashita, 71, isa sa mga producer.
Source: Kyodo
Join the Conversation