Isang sunog ang naganap sa isang animation studio sa lungsod ng Kyoto, Western Japan. Ayon sa ulat, mahigit 30 katao na ang naiulat na napinsala ng naturang sunog. Sabi ng mga pulis na 10 rito ay walang malay.
Ang mga kalapit bahay ang nag-report na ang Kyoto Animation’s studio ay nasusunog bandang alas-10:30 ng umaga nitong Huwebes. Sinabi nila na sila ay nakarinig ng parang pag-sabog at kasunod nito ay nakita na nila ang makakapal na usok.
Ang mga bombero ay inaagapan pa rin ang pag-laki ng apoy. Wala namang naiulat na nasira o napinsala sa mga kalapit na kabahayan nito.
Sinabi ng pulis na may isang lalaki ang nag-buhos na pina-niniwalaang gasulina sa paligid ng studio. Ito ay nasa kostudiya na ng mga awtoridad.
Ayon sa website ng kumpanya, ang kumpanya na naka-base sa Uji City ay itinatag nuong taong 1981. Ito ay gumagawa ng mga animations, nag-bebenta ng mga produktong may kinalaman sa kanilang ginagawa at ito ay nag-hahasa ng mga animators.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation