TOKYO – Isang bagyo na nabuo sa ibabaw ng Ocen Pacific sa timog ng arkipelago ng Japan noong Hulyo 26 ang inaasahang dadating sa eastern Japan sa pagitan ng Hulyo 27 at 28, ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA).
Ang Typhoon Nari, na nabuo mula sa isang tropikal na bagyo, ay matatagpuan sa 430 kilometro ng timog-silangan ng Cape Shionomisaki nasa kanluran ng prefecture ng Wakayama noong ika-9 ng umaga ng Hulyo 26. Ito ay lumilipat sa hilaga sa humigit-kumulang na 20 kilometro kada oras.
Ang pressure sa atmosphere sa paligid ng sentro ng bagyo ay 1,000 hectopascals. Inihula ng JMA na ang bagyo, ang ika-anim sa taong ito, ay magdadala ng hanggang 180 millimeters ng ulan sa rehiyon ng Tokai sa gitnang Japan, 150 millimeters sa rehiyon ng Kinki sa kanlurang Japan at 80 millimetro sa rehiyon ng Kanto-Koshin sa eastern Japan sa tanghali sa Hulyo 27.
Ang bagyo ay maaaring makaapekto sa mga fireworks festival na gaganapin sa ilang lugar ng Japan. Ang organizing committee ng Sumidagawa Fireworks Festival na gaganapin sa Tokyo sa gabi ng Hulyo 27 ay sinabi ng mga opisyal na magpapasya sila ku magpapatuloy ang event pagkatapos suriin ang kondisyon ng panahon.
(Mainichi)
Join the Conversation