Ang mga tao sa mga bahagi ng kanlurang Japan ay naghanda dahil sa tuloy tuloy na ulan sa rehiyon. Ang mga lungsod sa Fukuoka at Saga Prefectures sa isla ng Kyushu ay nagbaha sa taas na 110 millimeters sa isang oras.
Ang Meteorological Agency ng Japan ay nagbigay ng mga babala para sa pagbaha at pagguho ng lupa.
Ayon sa ahensiya na ang hindi matatag na kondisyon ay resulta ng mainit at malamig na hangin na dumadaloy sa bagyong Danas.
Sinabi nito na sa loob ng isang oras na ng Linggo ng umaga, ang mga lungsod ng Kurume sa Fukuoka at Tosu sa Saga ay nakatanggap ng 110 millimeters na ulan.
Nagbigay ang mga opisyal ng alerto ng landslide para sa ilang bahagi ng Fukuoka, Saga, Kochi, Tokushima at Hiroshima prefecture.
Sinabi ng isang lokal na residente, “Narinig ko ang na kulog at dumating ang napakalaskas na ulan. Ang daan sa harapan ng aking bahay ay nasa ilalim ng tubig, kaya nagpasiya na akong lumisan.”
Sinabi din ng Metereological Agency na sa loob ng isang 24 na oras, ang Shikoku ay umabot na ang tubig sa 180 millimeters.
Ang mga bahagi ng Kyushu ay maaaring makakuha ng hanggang sa 120 millimeters na pagtaas ng tubig
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation