TOKYO
Ang isang kotse sa subway ng Tokyo na pinalamutian ng mga character mula sa sikat na animation ng mga bata na Thomas & Friends ay ipinakita sa media noong Martes, isang araw bago ang pagsisimula ng test run na gawing mas madali ang pag access ng mga serbisyo sa tren para sa mga pamilyang may mga bata.
Ang anim na sasakyan sa linya ng Oei Toway Subway ay mag-aalok ng “lugar kung saan masusuportahan ang pangangalaga ng mga bata” na pinalamutian ng mga character nalocomotive characters na galing sa serye ng animation, na nagmula sa Britain.
Ang mga sticker na nakadikit sa labas ng mga tren ng subway ay nilikha na gawing mas komportable ang mga taong may mga stroller pati na rin ang mga pamilya na pinalaki ng bata.
Sa bayan ng Tokyo, kilalang-kilala para sa mga tren lalo na kung rush hour, ang mga pasahero na may mga dalang bata at madalas na itinuturing na isang istorbo at hinihikaya na umiwas sa paggamit ng mga serbisyong pampubliko.
“Ang cute,” sabi ni Tokyo Gov Yuriko Koike nang makapasok sa kotse. Sinuri niya ang loob ng kotse habang ang Metroplotan Government ay pinapatakbo ito.
“Ang kotse o ang lugar na ito na ito ay nagpapahiwatig ng isang mensahe na mabuti din na isama ang mga bata,” sabi ni Koike. “Gusto kong gawin ang Tokyo na isang maginhawang lugar para mamalagi para sa lahat.”
Ang mga iskedyul ng pagpapatakbo ng tren sa bata ay mailalabas sa website ng Tokyo government’s Transportation Bureau tuwing umaga. Sinabi ng munisipyo na pag-aralan nito kung paano mapapalawak ang mga serbisyo matapos marinig ang mga opinyon ng mga gumagamit.
Source: Japan Today
Image: Kyodo
Join the Conversation