Mga bookstore sa Shibuya Ward sa Tokyo planong ibahagi ang data upang labanan ang shoplifting.
Ang mga tindahan ng Taiseido, Keibundo at Maruzen & Junkudo, na malapit sa Shibuya Station ay may plano na ibahagi ang impormasyon tungkol sa mga pinaghihinalaang mga shopliter sa pamamagitan ng pag-install ng mga camera na makikilala at magrerehistro ang mga detalye ng mukha ng mga naturang tao.
Ang mga camera ay dinisenyo upang makita ang mga pinaghihinalaang mga shoplifter sa mga tindahan sa pamamagitan ng pag- ilaw o pagtunog bilang alerto sa mga empleyado.
Sabi ng mga opisyal ng tindahan na ang sistema ay hindi dinisenyo upang mag-report sa pulisya.
Ang tangkang pagbabahagi ng data ay ang kauna unahang teknolohiya sa industriya ng bookstore.
Sinabi ni Yutaka Takehana, chairman ng National Shoplifting Prevention Organization, na maingat na pinag-aralan ang mga paraan upang maiwasan ang shop lifting sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga eksperto. Sinabi niya ang grupo ay magpapatuloy sa mga pagsisikap nito sa pamamagitan ng pang-unawa ng mga mamimili.
Source: NHK World Japan
Join the Conversation