Humigit-kumulang 20,000 mga paputok ang itinakda sa taunang pagdiriwang sa paligid ng Sumida River ng Tokyo noong Sabado ng gabi.
Ang “Sumida River Fireworks Festival” ay ginanap sa huling Sabado ng Hulyo, na umaakit sa isang-milyong manonood.
Ang mga pamilya at grupo ng mga kabataan na suot ang tradisyunal na “yukata” summer kimono ay nagalak at kunuha ng mga litrato ng mga paputok sa kalangitan.
Ang mga paputok sa taong ito ay bumuo ng mga imahe na may kaugnayan sa 2020 Tokyo Olympics at Paralympics at ang bagong panahon ng “Reiwa” na nagsimula noong ika-1 ng Mayo.
Isang babae mula sa Aichi Prefecture, ay namangha sa mga magagandang firework at nais niyang bumalik sa susunod na taon.
Sa 2020 Tokyo Games, isang taon bago ang takda ang araw, ang bilang ng mga pulisya ay lumaki para sa seguridad. Mga 6,500 katao, kabilang ang mga miyembro ng organizing committee, mga pribadong sector guard, at mga lokal na residente, pinangunahan ng mga manonood at nagpatrolya sa lugar.
Natapos ang kaganapang na umabot sa isa at kalahating oras ng mapayapa.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation