Ayon sa mga pulis ang suspek sa pag-susunog sa isang animation studio na kumitil sa buhay ng dose-dosenang tao sa Kyoto ay maaaring gumamit ng timba upang ispray-an ng gasolina ang gusali nito bago silaban.
Naka-kuha na ng Warrant of Arrest ang mga pulis para kay Shunji Aoba nuong Sabado dahil sa pag-simula umano ng sunog sa Kyoto Animation nuong Huwebes ng umaga, at ito ay nag-iwan ng mahigit 34 kataong patay at 34 kataong nasa malubhang kalagayan.
Ang 41 anyos na suspek ay nag-tamo ng malubhang sunog sa kanyang katawan. Ito ay inilipat sa ospital sa Osaka na espesyalista sa mga sunog nitong Sabado.
Plano ng mga pulis na ihain ang arrest warrant sa suspek kapag ito ay magaling na.
Nagsa-gawa ng 2 araw na on-site inspeksyon ang mga opisyal ng pulis at bumbero.
Ayon sa kanila, sila ay naka-kita ng isang parte umano ng timba at natunaw na plastic na pinaniniwalaang lighter.
Pinaniniwalaan ng mga imbestigador na ang suspek ay bumili ng gaas sa isang gasolinahan at inilagay ito sa isang tanke bago nagtungo sa studio.
Suspetsa rin ng mga pulis na inilagay ng lalaki ang gaas upang maspray-an ang gusali.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation