Naagap naman kaagad ang sunog na naganap sa Kyoto na kilalang entertainment district ng ancient capital ng Japan. Limang gusali sa lugar ang nasunog, at sa kabutihang palad ay wala namang nai-ulat na napinsala rito.
Nuong gabi ng Lunes, na-alerto ang mga bumbero sa apoy na tumupok sa 2 palapag na gawa sa kahoy na gusali sa main street ng distrito ng Gion.
Mahigit 20 sasakyan ng bumbero ang sumugod sa lugar. Tinupok ng apoy ang nasabing gusali at 4 pang gusaling katabi nito bago pa tuluyan itong masugpo na inabot ng 3 oras at kalahati.
Iniimbestigahan ngayon ng mga bumbero ang ipinahayag ng isang witness na ang apoy ay nag-liyab mula sa isang kitchen ventilation duct ng isang kainan sa nasabing gusali.
Ang nasabing distrito ay papular na puntahan ng mga turista, dahil sa mga nag-hihilerang traditional Japanese restaurants at tea house sa sementadong kalsada nito.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation