Sinibak sa pwesto ang isang guro sa kindergarten matapos ireklamo ang 9 na mag-aaral

23 anyos na guro sa isang kindergarten natanggal sa pwesto dahil sa pananakit sa 9 na estudyante.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
9 na mag-aaral ang nag-reklamo sa isang guro sa kindergarten ng pananakit. (Twitter)

KANAGAWA (TR) – isang kindergarten sa lungsod ng Yokohama ang nag-anunsiyo sa pag-sibak sa pwesto ng isang lalaking guro sa kanilang paaralan matapos lumitaw ang ebidensiya ng pananakit nito sa 9 na mag-aaral, mula sa ulat ng TBS News (July 28).

Nuong ika-11 ng Hulyo, isang magulang ng isang estudyante ng Nagatsuka School of the Yokohama Buddy Sports Kindergarten, sa Midori Ward ang nag-sampa ng reklamo na nag-sasabi na ang kanyang anak ay nakatanggap ng pananakit mula sa isang guro.

Isang pag-sisiyasat sa security camera ng paaralan ang isina-gawa na nag-papakita sa pananampal sa mukha ng 23 anyos na guro sa 3 taong gulang na batang lalaki.

Ang namamahalang kumpanya sa Yokohama Buddy Sports Kindergarten ay nag-ooperate ng 5 paaralan sa lungsod. Ang nasabing paaralan ay hindi aprobado ng gobyerno

Sa pamamagitan ng pag-tingin sa iba pang kuha ng security camera napag-tanto na halos 9 na batang mag-aaral ang na-asulto ng guro.

“Ako ay humihingi ng lubos na paumanhin sa mga magulang at mga batang naging biktima ng pananakit.” ani ng presidente ng kumpanya. “Ito ay walang kapatawaran.”

Gumawa ng third-party committee ang kumpanya upang trabahuhin na hindi na muli itong mauulit. Nakikipag-ugnayan na rin ang kumpanya sa mga awtoridad.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund