KYOTO
Isang 23-anyos na opisyal ng pulisya ang naaresto dahil sa umano’y nakitaan ito ng marijuana sa tinitirhan na kasama ang pamilya sa Osaka Prefecture, ayon sa pulisya.
Si Wataru Umekita, isang opisyal ng pulisya ng Kyoto prefecture, ay inamin ang mga paratang sa kanya noong Biyernes, at sinabi sa mga imbestigador na sa kanya ang marijuana at personal-use lamang ang mga ito. Nakitaan din ang bahay niya ng pipe para sa pag-inhale ng marijuana. Kasama niya sa bahay ang kanyang buong miyembro ng pamilya sa Moriguchi.
Ayon sa pulisya, natagpuan ang dry cannabis sa bahay na shine-share niya kasama ang miyembro ng pamilya nang i-raid ito ng mga pulis dahil sa naugnay ito sa nakawan na nangyari sa isang eskwelahan na malapit sa bahay nito sa Kyoto prefecture. Siya ay naaresto on the spot.
Si Umekita, na tinanggap sa trabaho bilang pulis noong Abril, ay isang winner sa world junior judo competition noong 2014.
© KYODO
Join the Conversation