Princess Mako,dumalo sa kaganapan ng mga imigrante sa Lima

Si Princess Mako ay dumalo sa seremonyas para sa mga Japanese- Peruvian sa Lima, Peru.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPrincess Mako,dumalo sa kaganapan ng mga imigrante sa Lima

Ang prinsesa ng Japan na si Princess Mako ay dumalo sa isang seremonya sa LIma, kapital ng Peru upang markahan ang ika-120 anibersaryo ng pagdating ng unang mga dayuhang imigrante sa bansa.

Nagsimula ang imigrasyon ng Japanese sa Peru noong 1899, nang ang isang grupo ng 790 lalaki ay lumipat doon. Ang bansa ngayon ay mayroon ng 100,000 Japanese-Peruvians. Iyan ang ikatlong pinakamalaking pangkat ng mga tao ng Japanese na ninuno.

Si Princess Mako ang panganay na anak na babae ng Crown Prince at Princess Akishino. Sa kanyang opisyal na pagbisita sa Peru, sumama siya sa seremonya ng pagdiriwang noong Miyerkules.

Mga 500 katao ng Japanese na ninuno ang tumayo at pumalakpak sa paglabs prinsesa na  nakasuot ng Kimono.

Sa talumpati ng Prinsesa, binigyan niya ng pagpapahalaga ang mga pagsisikap ng mga imigrante at ang kanilang mga apo na nakatulong na mgaing malapit ang mga bansa.

Nagpahayag din siya ng pag-asa na ang kasaysayan na kanilang binuong ay maipapasa sa mga susunod na henerasyon.

Bago ang seremonyas, nakilala ng prinsesa ang apat na unang henerasyon ng mga kababaihang Japanese-Peru. Ang mga kababaihan, na halos 100 taong gulang, ay nagkaroon ng maraming karansang paghihirap mula noong lumipat sila sa Peru bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Hinawakan ni Princess Mako ang mga nakakatandang kababaihan habang sila ay nag-uusap.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund