Ang Princesa ng Japan na si Princess Mako ay binisita ang isang medical clinic malapit sa kapitolyo ng Lima, Peru City. Ang Prinsesa ay kasalukuyang nagsasa-gawa ng official trip sa nasabing bansa upang markahan ang ika-120 anibersaryo ng pag-dating mga Japanese immigrant dito.
Binisita ng panganay na anak ng Crown Prince at Princess Akishino ang pasilidad nuong Biyernes. Ito ay itinayo ng ikalawang henerasyon ng Japanese-Peruvian priest 30 taon na ang nakararaan.
Ang Prinsesa ay naikapag-kita sa mga staff members ng klinika at ipinaliwanag sa kanya kung anong serbisyo ang ibinibigay ng mga ito sa mga komyunidad na naka-paligid rito. Tulad na lamang ng libreng pag-bibigay ng health check-up sa mga kapus-palad na mamamayan.
Binisita rin ng Prinsesa ang isang seksyon na naka-talaga para sa pangangalaga ng mga matatanda.
Sinalubong ng mga residente sa pamamagitan ng pag-kanta ng kantang hapon ang Prinsesa, at ito naman ay nagpa-unlak dito. Matapos nito ay kinamayan ng Prinsesa ang mga kamay ng nga residente at sila ay binati nito.
Matapos nito ay binisita ng Prinsesa ang isang museo na kilala sa koleksyon nito ng Pre-Columbian Peruvian Artifacts. Ang mga ito ay kinulekta ng isang Japanese Businessman na si Yoshitaro Amano.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation