Sabi ng Meteorological Agency ng Japan na patuloy ang pag-lakas ng buhos ng ulan sa southwestern na parte ng bansa sa maaaring umabot na sila ay mag-issue ng emergency warning.
Sinabi sa tagapag-pahayag ng isang news agency na si Ryuta Kurora sa isang emergency news conference, ang pag-lakas ng buhos ng ulan ay maaasahan na mangyari sa pagitan ng Miyerkules at Huwebes, at ito ay maaaring mag-dulot ng pinsala.
Dagdag pa ni Kurora na mag-iissue sila ng emergency warning kapag patuloy na bumuhos ang malakas na pag-ulan ng ilang oras sa iisang lugar. Pina-alalahanan niya ang mga tao na maging alisto sa mga maaaring mangyari sa kapaligiran tulad ng mudslide, pag-baha at pag-apaw ng mga ilog at sapa.
Sinabihan rin ni Kurora ang mga residente na alistong kumilos upang maprotektahan nila ang kanilang sariling buhay.
Ani pa nito, ang mga taong bayad ay dapat alamin at kumpirmahin kung patuloy ang pag-buhos ng malakas na ulan sa karatig lugar upang sila ay makapag-handang lumikas. Huwag nang hintayin ang emergency warnings.
Dapat maging updated sila ukol sa mga kaganapan sa kanilang kapaligiran at makinig sa balita tungkol sa latest warning, weather information at makinig sa mga evacuation advisories sa inyong munisipal. Maging alisto upang maprotektohan ang sarili at ng mga minamahal.
Source: NHK World Japan
Image: Wikipedia
Join the Conversation