TOKYO
Sinabi ng pulisya sa Tokyo noong Miyerkules hinahanap nila ang isang lalaki na nanusok ng mata ng isang lalaki gamit ang tip ng isang payong pagkatapos na mag-away sa labas ng JR Meguro Station ngayong buwan.
Ayon sa pulisya, naganap ang pangyayari sa paligid ng 8:40 p.m. noong Hulyo 4. Ang tao na nasaktan ng payong ay nananatili na nasa ospital at maaaring mawalan ng paningin sa isa sa kanyang mga mata, sinabi ng pulisya.
Ang biktima, isang empleyado ng kumpanya, ay nagsabi sa pulisya na nasa labas siya ng istasyon at naghihintay ng taxi nang bigla na lamang siyang tinusok ng payong sa mata ng hindi kilalang lalaki. Hindi pinaalam ng pulisya kung ano ang sinimulan ng akitan ng dalawa n humantong sa pag-atake.
Ang suspect ay nakasuot ng itim na pantalon at isang puting polo. Sinabi ng pulisya na sinuri nila ang surveillance camera footage na kinuha sa labas ng istasyon upang subukan ba makilala ang suspect.
© Japan Today
Join the Conversation