Police, mga magulang humihingi ng tulong upang ma-solve ang kaso ng 4 na taong gulang na anak na nawalala mula pa noong 1996

Sinuman ang may impormasyon na maaaring makatulong sa pulisya ay mangyaring tumawag sa kinauukulan. Mayroong reward na 6 milyong yen para sa anumang impormasyon na maaaring makatulong sa pulisya na malutas ang kaso. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspPolice, mga magulang humihingi ng tulong upang ma-solve ang kaso ng 4 na taong gulang na anak na nawalala mula pa noong 1996
Photo: Gunma Prefectural Polic

Ota, Gunma

Noong linggo, ang pulisya at mga kamag-anak ng isang batang babae na nawawala mula pa noong 1996 ay humingi ng tulong mula sa publiko upang mabigyang linaw ang kaso. Si Yukari Yokoyama, na noon ay 4 years old, ay dinukot mula sa isang pachinko parlor sa Ota, Gunma Prefecture, noong Hulyo 7, 1996.

Tulad ng ginagawa nila bawat taon tuwing Hulyo 7, kasama ang mga opisyal ng pulisya ng Gunma, mga kamag-anak at kaibigan ni Yukari ay nagbibigay ng mga leaflet sa harap ng isang shopping center sa Ota City, iniulat ng Sankei Shimbun. Sinabi ni Yasuo, 52, ang ama ni Yukari, na nararamdaman pa rin niya ang sakit sa pangungulila sa kanyang anak sa loob ng 23 taon. “Tinatanong ko pa rin ang aking sarili araw-araw kung bakit nagpunta ako sa pachinko parlor noong araw na iyon. Ito ang pinaka-masakit saakin. ”

Nawala si Yukari mula sa pachinko parlor matapos na lumayo mula sa kanyang ama. Sinabi ng pulisya na ang kanilang tanging lead ay surveillance camera footage ng isang lalaki na nakasuot ng sunglasses at sombrero na hindi naglalaro ngunit naglalakad papunta at pabalik sa pasilyo ng pachinko parlor ng 15 minuto. Sa isang punto, nakita ang lalaki na nakikipag-usap kay Yukari. Gayunpaman, hindi na siya ma trace ng mga pulis.

Sinabi ng pulisya na paglipas ng mga taon, nakatanggap sila ng higit sa 4,000 na mga tip mula sa publiko ngunit walang ni-anumang solidong lead. Inilabas din ng pulisya ang sketch ng isang artist kung ano na ang mukha ngayon ni Yukari, kung siya ay buhay pa.

Ang ina ni Yukari na si Mitsuko ay nagsabi sa isang pahayag: “Kapag iniisip ko ang tungkol sa mga taon na lumipas, hindi ko na mapigilang tanungin at sisihin ang sarili kung bakit nawawala pa rin si Yukari. Isinulat namin ang aming hiling sa Tanabata ng maraming beses sa nakalipas na mga taon, ngunit Hindi totoo ang araw na iyon, hindi ko naisip ang Tanabata (Hulyo 7) bilang magandang araw. ”

Sinuman ang may impormasyon na maaaring makatulong sa pulisya ay mangyaring tumawag sa 0276-33-0110 o 0120-889-324. Mayroong reward na 6 milyong yen para sa anumang impormasyon na maaaring makatulong sa pulisya na malutas ang kaso.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund