Ito ang pinaka malaking bilang na naitala ng mga taong kumalahok sa taunang Gay Parade sa New York upang dagdagan ang kamalayan sa sexual minorities.
Ang event na ito ay nag-simula nuong 1970 upang mapag-tanto ang lipunan kung saan ang mga LGBT- Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender na mga indibidwal ay maaaring mamuhay nang hindi na de-discriminate.
Sinabi ng organisasyon ng prosisyon nuong Linggo na mahigit 150,000 katao mula sa iba’t- ibang panig ng mundo ang lumahok at lumakad ng mahigit sa 3 kilometro sa Manhattan. Ang parada ay humimok ng mahigit na 3 milyong manunuod.
Nag- wagayway ng mga rainbow flags ang mga nag-marcha, na ang kulay ay sumasagisag sa sari-saring uri ng kasarian. May mga placards na tumatawag sa eliminasyon ng diskriminasyon.
Isang native ng New York ang nagpa-hayag ng pag-asa para sa pag-likha ng mas maraming pag-tanggap sa lipunan sa mga LGBT upang sila ay maka-kilos ng malaya.
Isang gay participant mula sa Japan ang nag-sabi ang kamalayan para sa lipunan ng LGBT ay dahan-dahang lumalaki sa kanyang bansa, ngunit napakalayong lakbay pa ang tatahakin upang ito ay tuluyang makamtan. Sinabi pa nito na hinahangad niya na gawing legal ang same-sex marriage upang payagan ang mga LGBT couples na mamuhay na may pakiramdam na seguridad.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation