Pinagmumulta ng European Commission ang Sanrio, may ari ng Hello Kitty

Sanrio- Hello Kitty, magmumulta ng 7M dolyar sa European Commission

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPinagmumulta ng European Commission ang Sanrio, may ari ng Hello Kitty

Hinainan ng European Commission ang Sanrio, may-ari ng Hello Kitty  na mag multa nang milyong dolyar para sa paglabag sa mga panuntunan sa kumpetisyon ng European Union.

Noong Martes, ang mga regulator ay nag-anunsyo na ang Sanrio na naka base sa Tokyo ay pinagmumulta ng 6.2 milyong euro o mga 7 milyong dolyar.

Sinasabi nila na pinigilan ng kompanya ang mga lisensyadong negosyante sa mga bansa ng EU na ibenta ang mga produkto nito sa ibang mga bansa sa loob ng bloke.

Sabi nila na ang kumpanya ay hindi pinahintulutan ang pagbigay ng lisensya sa ibang mga negosyo upang maibenta ang produkto nila sa mga bansa ng EU.

Sinabi ni Commissioner Margrethe Vestager na ang desisyon ay nangangahulugang para sa mga mamimili ” na maaari na mapakinabangan nang husto ang isa sa mga pangunahing benepisyo ng nag-iisang merkado,” na kung saan ay “magkakaroon na ang mga mamimili ng kakayahang makabili ng murang bilihin sa buong Europa.”

Sinabi ng mga opisyal ng Sanrio na sineseryoso nila ang mga bagay na ito. Ipinangako nila na gagawin ang lahat ng kanilang makakaya upang sumunod sa mga panuntunan ng European Commission at ibalik ang tiwala ng publiko.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund