Isang Pilipinong pastor na may chapel at sarisari store sa Chiba ang inaresto ng Metropolitan Police Department sa pag shokai ng trabaho at pagkuha ng apartment sa mag-asawang Pilipino na illegal alien.
Sa palabag sa Immigration and Refugee Act, inaresto si Victoria Rupert Marcelo (62). Pina-trabaho ni Victoria ang mag-asawang overstayer sa isang food processing company sa Katori City, Chiba Prefecture noong December hanggang February this year at kinunan ng apartment sa Ichikawa City.
“Kada linggo may naririnig akong mga taong nag-uusap pagkatapos ng service. Halos lahat tungkol sa problema sa visa, problema sa paghahanap ng bahay, trabaho at iba pang problema. Minsan sinasamahan sila sa immigration para tulungan ayusin ang mga problema. Minsan tinutulungan niya ang mga tao na may problema. “(Asawa ni Victoria)
Ayon sa Metropolitan Police Department, ang mag-asawa ay ipinakilala kay Mr. Victoria ng isa pang pastor sa Pilipinas at tumanggap siya ng 200,000 yen galing sa mag-asawa bilang kumisyon para sa pag-arrange ng trabaho at bahay sa kanila.
Inamin naman ni Victoria ang mga paratang sa kanya at sinabing ” gusto lamang naman niyang makatulong sa mga kapwa Pilipino na nakatira sa Japan”. Iniimbestigahan din ng mga police kung may iba pang may ilegal status na tinulungan ang suspect.
https://youtu.be/qGxn2B7KneE
Source: TBS News
Join the Conversation