Ayon sa isang Joint investigation group ng Prefectural Police Organization Crime Countermeasures Headquarters (Drug Firearm Countermeasures Division) at ng Kashiwa department, Tokyo Customs, nahuli ang isa nating kababayan sa pag smuggle umano ng dried cannabis mula sa United States.
Ang Pinoy ay 22 taong gulang na Arubaito na nakatira sa Koshigaya-shi Kawarazone 1-chōme.
Ang marihuana ay meron bigat na 28.5 gram ay nakalagay ito saisang parcel na may naka-declare bilang “sample item” na pinadala sa address ng suspect dito sa Japan mula sa America.
Nakatanggap ang mga pulis ng tip mula sa Tokyo Custom kung kayat inimbistigahan nila ito, pinasok ang bahay ng suspect sa Koshigaya City at meron silang nakuhang dried marihuana sa loob ng bahay.
Inaamin naman nito ang charge laban sa kanya at ayon dito, inorder nya ang marihuana sa kanyang kaibigan at dalawang beses na nya itong ginawa. Umabot sa 57 grams na ang kanyang naipapasok na meron market value na 29 lapad. Kakasuhan sya ng posession at illegal na pagbebenta nito ayon sa news.
Source: Saitama.np.jp
Join the Conversation