TOKYO (TR) –isang lalaking kostumer sa isang restaurant ang nasa malubhang kundisyon matapos mag-tamo ng pinsala sa nangyaring pamamaril nuong umaga ng Linggo. Ang namaril ay hindi pa rin nahuhuli, sinabi ng mga pulis, mula sa ulat ng NHK (ika- 21 ng Hulyo).
Bandang alas-2:30 ng umaga ang gunman ay binaril ng isang sa bandang tiyan ang biktima, nasa edad na 40 anyos matapos magkaroon ng alitan sa isang izakaya restaurant sa Asahi cho area.
Ang biktima ay agad na isinugod sa hospital nang ito ay mayroong malay (conscious state).Ngunit sabi ng Tochigi Police Station, ang kundisyon ng biktima ay malubha.
Bago ang pangyayari, ang gunman at ang biktima ay kasali sa isang grupo ng 4 na katao na pumuta sa nasabing kainan. Kalaunan, ang gunman na pinaniniwalaang nasa edad na 40 o 50 anyos ay tumakas mula sa lugar na pinangyarihan ng krimen na may 1 kilometro ang layo mua JR Tochigi Station.
Ayon sa mga pulis, ang insidente ay nangyari matapos magkaroon ng alitan ang grupo, pinaniniwalaang ito ay resulta ng problema na sangkot ang isang sindikato.
Sa kasalukuyan, pinag-hahanap ngayon ng mga pulis ang suspek at inaalam ang pagkaka-kilanlan nito, ang gunman ay maaaring humarap sa kasong attempted murder.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation