Sa Kyoto, ika-20 ng Hulyo (Jiji Press)– suspetsa ng mga pulis na ang suspek sa di umano’y responsable sa karumaldumal na panununog sa Kyoto Animation Co. studio sa kanlurang bahagi ng Japan, lungsod ng Kyoto ay maaaring ginawa ang krimen mula sa kanyang pansariling hinanakit laban sa nasabing kumpanya, sinabi ng imbestigador nuong Sabado.
Ayon sa departamento ng pulisya sa prepektura ng Kyoto at iba pang sources, ang suspek na si Shinji Aoba, 41 anyos ay di umano’y pumasok sa main entrance ng studio sa Fushimi Ward ng lungsod bandang alas-10:30 ng umaga nuong Huwebes, sinabuyan ng gaas ang gusali atsaka sinilaban gamit ang lighter.
Nang ang suspek ay nahuli sa kalsada matapos ang pang-yayari mga 100 metro ang layo sa studio, ito ay naka-suot ng pulang t-shirt ay nag-sabi sa mga pulis na siya ay nag-saboy ng gaas at sinilaban ang gusali dahil ninakaw umano ng kumpanya ang kanyang nobela.
Ayon sa website ng Kyoto Animation, nag-host ng novel competition at ginagawang anime ang mga nanalo rito.
Ngunit nuong Sabado, sinabi ng Presidente ng Kyoto Animation na si Hideaki Hatta sa mga reporters na kahit kailan ay hindi niya pa naririnig ang pangalan ng suspek.
Source: Nippon News
Image: The Jiji News
Join the Conversation