Ang pagawaan ng machine tools sa Japan ay nakita ang biglaang pag-bagsak ng mga order nitong buwan ng Hunyo dahil sa bumabagal na ekonomiya sa Tsina.
Sinabi ng industry association, ang mga pagawaan ay naka-tanggap ng mga order na nagkaka-halaga ng 98.8 bilyong yen o mahigit 910 milyong dolyares. Ito ay 38% na mababa kumpara nuong kaparehong buwan nuong nakaraang taon.
Sa loob ng 2 taon at 8 buwan, ito ang kauna-unahang pigura na bumagsak ng mahigit 100 bilyong yen.
Ang pigura ay nagsimulang bumagsak mula pa nuong kalagitnaan ng nakaraang taon.
Ayon sa asusasyon, ang mga Chinese at Japanese firms ay pinipigilan ang kapital ng kanilang investments, habang ang pag-tatalo sa kalakalan sa pagitang ng Estados Unidos at ng Tsina ay patuloy pa rin.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation