Isang 3 araw na event sa Tokyo ang isinagawa upang maranasan ng mga partisipante ang buhay matapos ang mega-quake.
Ang hangad ng okasyon ay maranasan sa mga magiging survivor ng nasabing kalamidad sa 3 stages– katulad ng anong mangyayari 7 araw makalipas ang mega-quake, matapos ang 3 buwan at pagkalipas ng 3 taon.
Ang event na natapos nuong Lunes ay isinagawa sa Park ng Koganei City sa Tokyo. Ito ay plano ng isang grupo ng anti-disaster specialists at lokal na opisyal ng gobyerno. Mahigit 100 katao kabilang ang mga magpa-pamilya at mga estudyante ang dumalo sa nasabing event.
Ang mga dumalo ay 3 araw na pansamantalang nanirahan sa mga tents sa paniniwalang walang evacuation center na available sa nasabing sitwasyon.
Binigyan ng tips ng mga eksperto ang mga tao sa issue ng hygiene na maaaring makaharap ng mga survivors matapos ang kalamidad, mga pansamatalang pabahay na hindi agad available sa lahat at mga paraan upang makapag-simula ulit ng kanilang normal na pamumuhay matapos ang kalamidad.
Si Professor Emeritus Itsuki Nakabayashi ng Tokyo Metropolitan University na nag-spinsor sa nasabing event ay nag-sabi na ang anti-disaster drill ay nag-fofocus kung papaano reresponde sa kalamidad pagkalipas ng ilang araw matapos ang pag-lindol, ngunit sa katotohanan ito ang panimula kung saan makahaharap ng mga survivor ang tindi ng epekto nito sa kanilang pamumuhay.
Sinabi rin niya na may posibilidad na magkaroon ng kakulangan sa mga evacuation center at pansamantalang tirahan, dapat malaman ng tao ang tindi ng ng kakaharapin sitwasyon matapos ang kalamidad kaya dapat sila ay maging handa.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation