TOKYO
Isang 33-anyos na miyembro ng sikat na Japanese rock group na Dragon Ash ang naaresto dahil sa diumano’y pag-aari ng marijuana, sinabi ng mga investigative sources noong Sabado.
Ang bass guitarist na si Kensuke Kaneko, na kilala bilang KenKen, ay nakitaan ng isang maliit na halaga ng marijuana sa kanyang tahanan sa Shimogyo Ward ng Kyoto noong Biyernes ng umaga, sinabi ng mga sources.
Isang 25-anyos na babae ang dinakip din sa bahay ni Kaneko para sa parehong kaso.
Sa isang kaugnay na pagkilos ng pulisya sa Tokyo, ang musikero na si Jesse McFaddin, isang 38-taong-gulang na U.S. national, ay hinihinalang may pag-aari ng 4 gramo ng marijuana sa kanyang tahanan sa Shinagawa Ward noong Biyernes ng umaga.
Ang Amerikano, isang vocalist at gitarista na gumagawa ng musika bilang JESSE, ay isang anak ng sikat na gitaristang Hapon na Hisato Takenaka, na malawak na kilala bilang Char.
Ayon sa mga sources, sinabi ni Kaneko sa pulisya na alam niya na ang nasa posesyon nito ay marijuana. At inamin din ni McFaddin na pag-aaari niya ang marijuana habang tinanggihan naman ng babae ang paratang sakanya.
Ang mga sources ay hindi nagbibigay ng pangalan ng babaeng suspek o anumang impormasyon na higit sa katotohanan na siya ay kaibigan ni Kaneko mula sa Okayama Prefecture, western Japan.
Inimbestigahan ng Metropolitan Police Department ang kaso sa loob ng isang buwan pagkatapos matanggap ang isang tip na ang tatlo ay gumagamit ng marijuana. Inilunsad nila ang raid sa bahay ni Kaneko noong Biyernes ng umaga.
Ang Dragon Ash ay nag debut noong 1996 at inilabas ang isang bilang ng mga hit songs tulad ng “Fantasista.” Sumali si Kaneko sa banda noong 2012.
© KYODO
Join the Conversation