Ang mga tagahanga ng Anime mula sa buong mundo ay patuloy na bumibisita sa Kyoto upang magluksa sa mga biktima ng arson attack sa isang kilalang animation studio isang linggo na ang nakararaan.
34 na tao ang napatay at 34 iba pa ang nasugatan matapos ang pagbuhos ng gasolina na dahilan ng pag- apoy ng Kyoto Animation studio.
Sinabi ng pulisya na ang mga autopsy ay ginawa sa lahat ng biktima. Sinabi nila na higit sa kalahati ng mga ito ay nasa edad na 20s o 30 taong gulang. Sinasabi nila na maraming sa mga biktima ay hindi na nakatakbo o nakatakas galing sa mga silid dahil sa pumasok agad ang malaking usok.
Ang mga labi ay ibinalik sa kanilang mga pamilya. Ngunit hindi lahat ay nakilala.
Ang mga tagahanga mula sa buong mundo, pati na rin ang mga kakilala ng mga empleyado, ay bumibisita sa site ng arson upang mag-alay ng mga bulaklak at panalangin.
Parami nang parami ang mga grupo at indibidwal sa loob at labas ng Japan ay nagprottesta upang suportahan ang Animation ng Kyoto. Nagpapadala sila ng mga mensahe at kumukuha ng mga donasyon.
Ang suspek na si Shinji Aoba, ay nananatili sa kritikal na kondisyon dahil sa malubhang pagkasunog. Plano ng pulisya na sya ay kausapin at tanungin upang malaman kung mayroon siyang koneksyon sa animation studio at kung ano ang kanyang motibo kapag siya ay magaling na.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation