TOKYO (TR) – bulilyaso ng mga Tokyo Metropolitan Police ang hindi lisensyadong taxi service na tumatarget ng mga turistang dayuhan, mula sa ulat ng Fuji News Network (nuong ika-30 ng Nobyembre.)
Simula pa nuong nakaraang Disyembre, si Naoki Hoshino, 33 anyos at isang empleyado sa isang kumpanya at isang lalaking Tsino, 23 anyos ay gumamit umano ng isang sasakyan upang isakay ang ilang Chinese at Thailander na turista mula Haneda Airport hanggang sa ilang lugar sa centro ng siyudad at kalapit lugar nito, kabilang ang Tokyo Disneyland.
Umamin naman si Hoshino sa mga alegasyon. “Mahal kasi ang kumuha ng lisensya, kaya ito ay ginawa ko ng walang pahintulot.” sinabi umano ni Hoshino.
Ayon sa mga pulis, ang operasyon ay naisagawa dahil sa koneksyon ng tsino sa isang Chinese Travel Agency.
Ang mga suspek ay pina-niniwalaang kumita ng 15 milyong yen, ani ng mga pulis.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation