Ang Japanese tidying-up guru na si Marie Kondo at ang kanyang Netflix show ay hinirang para sa dalawang Emmy Awards, na isang parangal sa pinakamahusay na programa sa telebisyon sa Estados Unidos.
Inanunsyo ng US Academy of Television Arts and Sciences ang mga nominasyon nito para sa 71st awards sa Martes.
Si Kondo, na kilala bilang “KonMari,” ay hinirang para sa pinakatanyag na host ng isang reality o competion program. Ang kanyang palabas ay hinirang para sa isang structured reality program.
Ang palabas ay nagsimula noong Enero sa US television at movie streaming service sa Netflix, na may 150 milyong mga manonood sa buong mundo. Sinusundan ito ng mga manonod habang binibisita ni Marie Kondo ang iba’t ibang pamilya at tinutulungan silang “maglinis o magbawas ng mga gamit na hindi na kapaki pakinabang o hindi na nakapagpapasaya sa may-ari.”
Ang kanyang trademark na KonMari Method na paraan ng pagtatabi lamang sa mga bagay na nakakapagparamdam ng “spark joy” ang nakapabigay sa kanya ng isang malaking bilang na mga manononod sa US.
Isang aklat ng mga tip sa paglilinis na inilathala ni Kondo sa Japan noong 2010 ay isinalin sa iba’t ibang wika na naging bestseller. Pinili siya ng Time magazine bilang isa sa 100 pinaka-maimpluwensyang sa numero sa buong mundo sa taong 2015. Siya ngayon ay nakabase sa Los Angeles.
Ang seremonya ng Emmy Awards ay gaganapin sa Los Angeles sa Setyembre 22.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation