TOKYO
Kung gusto mo ang mga kakaibang motif ng rooms ng hotel, ang Japan ay isang magandang lugar upang mag-stay at maranasan ito. Mayroong may temang accommodation tulad ng Hello Kitty o shiba inu room, o kahit isang hotel na ang exclusive staff ay mga robot.
Isa dito ay ang hotel room na may Boeing 737-800 flight simulator. Kung gusto mong maranasan maging isang piloto at mag-operate sa cockpit, kailangan mong subukan ang “Superior Cockpit Room” na naka-set up sa Haneda Excel Hotel Tokyu.
Ang espesyal na silid ng hotel ay ginawa bilang bahagi ng pagdiriwang para sa ika-15 anibersaryo ng hotel. Ang simulator ay full size at kasama ang lahat ng mga aktwal na equipment ng isang eroplano.
Ang bayad para sa kuwarto ay nagsisimula sa 25,300 yen bawat gabi para sa double room, kung saan maaari mong matamasa ang tanawin katulad ng nakikita sa mga window ng cockpit.
Kung nais mong subukan ang flight simulator, kailangan mong mag-book ng isang 90 minuto session kasama ang isang flight instructor kung paano ipalipad ang simulator na eroplano. Sa 30,000 yen, ang mga sesyon na ito ay hindi mura ngunit tiyak na magbigay ng isang tunay na saya para sa airplane otaku.
Source: Japan Today
Join the Conversation